Balangkas sa pamahalaan ng Bahrain,Cyprus.Iran,Iraq,Israel,Jordan,Kuwait,Lebanon,Oman,Qatar,Saudi Arabia,Syria,Turkey,U.A.E,Yemen. Balangkas ng Pamamahala ng Sumusunod na mga Bansa Bahrain Ang balangkas ng pamamahala ng Bahrain ay konstitusyonal na monarkiya , na kung saan ang gobyerno o pamamahala ay iniaatas ng Hari ng Bahrain. Cyprus Ang bansang Cyprus ay may republikang pamamahala. Iran Ang balangkas ng pamamahala ng Iran ay unitary Islamic republic . Ang gobyerno nito ay pinangangasiwaan ng mga lupon na karamihan ay binubuo ng mga klero. Iraq Ang bansang Iraq ay isang federal parliamentary representative democratic republic . Pinamumunuan ito ng Punong Ministro at ng Presidente ng bansa. Israel Ang balangkas ng pamamahala ng Israel ay demokratikong republika na may sistemang parlyamento ang gobyerno na pinamumunuan ng punong ministro. Jordan Ang balangkas ng pamamahala ng Jordan ay parlyamentong monarkiya , na kung saan ang Punong Ministro ang ul...