Mahalagang Pangyayari Sa Kabanata 41 Ng Noli Me Tangere

Mahalagang pangyayari sa kabanata 41 ng noli me tangere

Noli Me Tangere

Kabanata 41: Dalawang Dalaw

Mahalagang Pangyayari:

             Ang mahalagang pangyayari sa kabanatang ito ay ang naging pagdalaw ni Elias kay Ibarra upang ipaalam sa binata na si Maria Clara ay may sakit at upang magpaalam sapagkat siya ay tutungo sa kanilang probinsya sa Batangas. Sa pagkakataong iyon ay tinanong Ibarra kung paano napatigil ni Elias ang kaguluhan na naganap sa liwasan. Tumugon si  Elias na kilala niya ang magkapatid na namumuno sa panggugulo. Ang mga ito ay may mga galit sa mga sibil sapagkat ang kanilang ama ay kanilang napatay sa palo. At dahil sa may utang na loob ang magkapatid kay Elias, sila ay madaling napakiusapan nito. Hindi na nagtanong pa si Ibarra, kaya  si Elias ay tuluyan ng umalis matapos na makapagpaalam.

              Nagbihis at nanaog Ibarra upang tumungo sa tahanan nina Maria Clara. Sa daan ay sinisisi niya ang sarili sa pagkakasakit ng kasintahan. Habang naglalakad ay nakasalubong niya ang isang maliit na lalaking nakaitim at may pilat sa kaliwang pisngi. Ito ay si Lucas at kapatid ng taong madilaw na namatay sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan. Nainis si Ibarra sa pangungulit ni Lucas ukol sa bayad sa pamilya ng kanyang kapatid. Sinabi ni Ibarra na magbalik na lamang si Lucas dahil dadalaw ito sa isang maysakit. Saka na nila pinag-usapan ang tungkol sa pagbabayad. Mauubos na ang pasensya ni Ibarra, kaya minabuti nitong tinalikuran na lamang si Lucas.  Sinundan ng masamang tingin ni Lucas si Ibarra sabay bulong sa sariling na si Ibarra ay tunay na apo ng nagbilad sa init sa kanyang ama at iisa ang dugong nananalaytay sa mga ugat nito. Sa kabilang banda, naisip niya na kapag ito ay mahusay magbayad ng mataas, sila ay magiging mabuting kaibigan.

Read more on

brainly.ph/question/2123627

brainly.ph/question/2143566

brainly.ph/question/536712


Comments

Popular posts from this blog

What Is An Example Of Korido

Moral Lesson In "The Three Princes"

"Why Did No One Come To Ask For Savitris Hand In Marriage?"