Ano Ang Makukuhang Aral Sa Kabanata 18, El Filibustirismo

Ano ang makukuhang aral sa kabanata 18
el filibustirismo

El Filibusterismo

Kabanata 18: Ang Mga Panlilinlang

Aral:

          Sa kabanatang ito matututunan na ang mga panlilinlang na ginawa ni Ginoong Leeds sa mga manonood sa loob ng isang peryahan. Ang peryahan na kilala sa mga palabas na may daya. Tulad na lamang ng palabas ukol kay Imuthis. Ang kwento ni Imuthis ay may pagkakahawig sa totoong pangyayari sa buhay ni Ibarra na may karibal sa pag - ibig ni Maria Clara sa katauhan ni Pari Salvi. Ang pagkagimbal ni Padre Salvi sa ulong karakter na si Imuthis ay nagpapakita ng kanyang pagkagulat sa pangyayari sa buhay nito sa mga panggigipit na ginagawa niya sa kanyang karibal na si Ibarra. Ang kanyang mga ikinilos ay nagsasabi na siya ay may nagawang kasalanan.

           Itinuturo din sa kabanatang ito ang panganib ng paghahanap ng kamalian o kapintasan sa ibang tao. Tulad na lamang ng ginawa ni Ben Zayb na pilit hinahanap ang mga salamin o mga pandaraya at props na nakatago bago ang mahika. Bukod dito binibigyan diin din ang pag iwas sa pagiging maging masama. Huwag kailangan na pumatay pa ng ibang tao para lamang makamit ang gusto. Ang halimbawa ay pagpatay sa sariling kamag anak upang makamtan o matupad ang pansarili at politikal na ambisyon.

Read more on

brainly.ph/question/2104702

brainly.ph/question/2132959

brainly.ph/question/1442824


Comments

Popular posts from this blog

What Is An Example Of Korido

Moral Lesson In "The Three Princes"

"Why Did No One Come To Ask For Savitris Hand In Marriage?"