Ano ang pagkakaiba ng panaginip,pantasya,at pangarap?100 na salita Ang panaginip, pantasya at pangarap ay magkakaparehong nagsasangkot sa ating kakayahang mag-isip. Ito ay isang bagay na wala sa iba pang nabubuhay na nilalang gaya ng mga hayop at halaman. Pero ang mga ito ay magkakaiba, sa proseso at sa epekto sa buhay ng tao. Alamin natin ito. Ano ang Panaginip ? Ang panaginip ay mga ideya o kaisipan na nabubuo sa isip ng isang natutulog. Sa sinaunang aklat gaya ng Bibliya, minamahalaga ang panaginip. Ito kasi ang isa sa ginagamit na paraan ng paghahatid ng mga mensahe ng DIyos para sa mga tao sa pamamagitan ng mga propeta. Kadalasan ng eksaherado ang mga larawang nailalagay sa kaisipan ng propetang iyon at saka niya isusulat. At ngayon na nababasa na natin sa Bibliya, pinatutunayan ng ulat sa kasaysayan na naganap ang ilan dito ayon sa pagpapakahulugan at kapanahunan. Ang ilan pa nga ay kasalukuyang nagaganap. Kaya aasahan nating magaganap pa sa hinaharap ang ilan dito. ...
Comments
Post a Comment