Ano Ang Pagkakaiba Ng Panaginip,Pantasya,At Pangarap?100 Na Salita
Ano ang pagkakaiba ng panaginip,pantasya,at pangarap?100 na salita
Ang panaginip, pantasya at pangarap ay magkakaparehong nagsasangkot sa ating kakayahang mag-isip. Ito ay isang bagay na wala sa iba pang nabubuhay na nilalang gaya ng mga hayop at halaman. Pero ang mga ito ay magkakaiba, sa proseso at sa epekto sa buhay ng tao. Alamin natin ito.
Ano ang Panaginip?
Ang panaginip ay mga ideya o kaisipan na nabubuo sa isip ng isang natutulog. Sa sinaunang aklat gaya ng Bibliya, minamahalaga ang panaginip. Ito kasi ang isa sa ginagamit na paraan ng paghahatid ng mga mensahe ng DIyos para sa mga tao sa pamamagitan ng mga propeta. Kadalasan ng eksaherado ang mga larawang nailalagay sa kaisipan ng propetang iyon at saka niya isusulat. At ngayon na nababasa na natin sa Bibliya, pinatutunayan ng ulat sa kasaysayan na naganap ang ilan dito ayon sa pagpapakahulugan at kapanahunan. Ang ilan pa nga ay kasalukuyang nagaganap. Kaya aasahan nating magaganap pa sa hinaharap ang ilan dito.
Sinasabi ba nito na ang lahat ng mga panaginip ng mga tao ay mayroong kahulugan at mangyayari sa totoong buhay? Maliwanag ang sagot mula din sa Biibliya.
1 Corinto 13:8b "Ang kaloob na humula ay aalisin; ang pagsasalita ng iba't ibang wika ay matatapos din; ang kaalaman ay maglalaho."
Ipinapakita ng talatang ito ng Bibliya na darating ang panahon na hindi na gagamitin ang makahimalang pakikipag-usap ng Diyos sa tao sa pamamagitan ng pangitain ni ng panaginip man. Kailan ito natapos? Nang sabihin sa huling bahagi ng Bibliya ang pananalitang ito: "Kung ang sinuman ay magdagdag sa mga bagay na ito, idaragdag sa kaniya ng Diyos ang mga salot na nakasulat sa balumbong ito . . ." (Apocalipsis 22:18b)
Ang pantasya naman gaya ng panaginip ay mga larawan o eksenang nabubuo sa isipan ng isa habang gising naman siya. Mas kontrolado ng isa ang mga imahinasyon niya. Pero gaya ng terminong ginamit na nagmula sa terminong fantasy, ang mga nabubuo niyang ideya ay mga eksaherado, mga bagay na talagang hindi mangyayari. Nagagawa ito ng isa upang ihayag ang mga nasa ng puso. Gayundin, maaaring ang mga makasalanang mga kagustuhan sa lihim ay pinapantasya ng isa gaya ng pornograpikong kaisipan at iba pang mahahalay na gawain; pagpapayaman o kagandahang maaabot niya sa kasalukuyan at marami pang iba. Nasisiyahan siya sa mga ito pero walang pagkilos upang abutin dahil sa kaimposiblehan.
Ano ang pangarap?
Ang pangarap naman ay mga ideya na siyang nais niyang abutin sa hinaharap. Bahagi nito ang pagpaplano kung paano ito maaabot. Ginagamitan din ito ng malawak na imahinason yamang maraming mga kinakailangang paghandaan gaya ng hamon at mga pangangailangan. Kadalasan ng ang mga matagumpay na mga personalidad ngayon ay nagsasabing ito talaga ang pinangarap nila mula pa noong bata sila. O di kaya naman ay nito na lamang na adulto sila. Ang mga eksena dito ay maaaring matatayog ngunit makatotohanan. Ito talaga ang tunay na malalim na kahulugan ng pangarap.
Sa mga nabanggit na pagkakaiba, nakita natin na talagang makapangyarihan ang ating utak. Kaya ntayo nitong dalhin sa panandalian hanggang sa makatotohanang mga eksena sa buhay. Pero mag-ingat. Kahit na may kakayahan tayong managinip, magpantasya at mangarap, dapat na mas mataas pa din ang katinuan ng pag-iisip.
Comments
Post a Comment