Mga Tauhan Ng Kabanata 16 Ng El Filibusterismo
Mga tauhan ng kabanata 16 ng el filibusterismo
El Filibusterismo
Kabanata 16: Ang Kasawian ng Isang Intsik
Mga Tauhan:
Quiroga - ang bidang karakter sa kabanatang ito na isang negosyanteng Intsik. Nais niyang magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa kayat siya ay naghandog ng isang hapunan na dinaluhan ng mga tanyag na panauhin.
Simoun - ang isa sa mga nagtungo sa handaan upang singilin ang kaibigang si Quiroga sa utang nito na siyam na libo. Nagkasundo sila na pababain ang utang na ito kapalit ng pagpayag ni Quiroga na itago ang mga armas ni Ibarra. Binigyan niya ng kapanatagan si Quiroga na unti unti naman niyang aalisin ang mga armas na iyon upang hindi niya iyon ikapahamak.
Mga tanyag na panauhin - ang mga ito ay kinabibilangan ng mga kilalang mangangalakal, mga prayle, militar, kawani ng pamahalaan, at ang mga suki ni Quiroga.
Mga kilalang mangangalakal - ang mga ito ay kapwa negosyante ni Quiroga na kadalasan ay kanya ring mga kapareha sa negosyo.
Mga prayle - ang mga panauhing hindi nawawala sa mga pagtitipon sapagkat kung walang basbas ng mga prayle tiyak na mamalasin ang negosyo ayon sa paniniwala ng mga taga San Diego.
Mga militar - ang mga tagapamayapa ng lugar ng San Diego. Naroon sila upang panatilihin ang kaayusan ng bayan kasabay ng handaan.
Mga kawani ng pamahalaan - labis ang pagpapahalaga ni Quiroga sa mga ito sapagkat ang kanyang layunin ay mapapayag ang mga ito na magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa.
Mga suki - ang mga parokyano ni Quiroga na naroon upang siya ay bigyan ng suporta.
Don Custodio - ang nangunguna sa pangkat ng mga mangangalakal na nag-uusap usap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag - aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo.
Mr. Leeds - ang namumuno ng peryahan na siya namang pinag uusapan ng mga prayle.
Read more on
Comments
Post a Comment